Bakuna laban sa dengue, ipamamahagi na sa Lunes
PAMUMUNUAN ng Department of Health ang pamamahagi ng bakuna laban sa dengue sa piling siyam na taong gulang na mga estudiante sa Central Luzon, CALABARZON at National Capital Region. Pilipinas ang ikalawang nagbigay na ng lisensya ang Pilipinas sa bakuna laban sa dengue noong nakalipas na Disyembre ng 2015.
Ayon sa pahayag ng Department of Health, napili ang mga pook na ito sa datos na mula sa Philippine Integrated Diseases Surveillance Registry ng DOH Epidimiology Bureau.
Sinabi ni Health Secretary Janette Loreto Garin naang mga kabataang mula siyam hanggang 12 taong gulang ang may pinakamataas na bilang ng mga nagtaglay ng karamdaman at mga nasawi. Nakabatay ito sa ginawang pagsusuri ni Prof. Hilton Lam ng UP – National Institute for Health, ang pagbabakuna ng siyam na taong gulang na bata ang makababawas ng 24.2% ng mga magkakaroon ng dengue sa loob ng limang taon.
Hanggang noong nakalipas na Pebrero ng 2016, may 18,790 ang dengue cases sa buong bansa. Mas mataas ito ng 13.2% kaysa noong nakalipas na taon.
1 2 3 4