P 760 bilyon para sa mga pagawaing-bayan tiniyak
NADAGDAGAN na naman ang gastos ng pamahalaan ngayong taon sa mga pagawaing-bayan upang matanili ang investment grade na ibinibigay sa mga pamahalaang nakatuon sa mga pasilidad.
Ito ang sinabi ni Secretary Florencio Abad ng Department of Budget and Management sa kanyang pormal na pahayag ngayon. Ang gagastusin ng pamahalaan ngayon ang pinakamalaki mula sa P165 bilyon noong 2010. Ang gastos ngayong 2016 ay limang porsiyento (5%) ng Gross Domestic Product.
Ipinaliwanag ni Secretary Abad na ang ibang bansa sa ASEAN ay gumagasta ng may 5.5% ng kanilang GDP sa Infrastructure samantalang umaabot lamang sa higit sa dalawang porsiyento ang nagagasta. Sa gastos umano ngayong taon ay higit na gaganda ang imahen ng bansa, dagdag pa ni G. Abad.
1 2 3 4