Karaniwang piyesa lamang sa "chess" si Deguito
SA isang malakihang laro ng "chess" liumalabas na isang karaniwang piyesa lamang si dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito sa kanyang pagharap na muli sa Senado na nagsisiyasat sa may $81 milyong nakaw na pondo mula sa central bank ng Bangladesh.
Mula sa isang nakahandang pahayag, sinabi ni Deguito na sa kanyang ibinunto ang sisi sa sinasabing money-laundering na nagpapalabas na mayroon siyang kakayahang magpatakbo ng illegal na gawain tulad ng krimeng may pinsalang aabot sa P 4 bilyon.
Magaganap lamang ang krimeng ito, ani Deguito, sa pamamagitan ng paglahok ng mga mayayamang negosyante.
Si Deguito umano ang nagpabilis ng pagbubukas ng limang bank accounts na ginamit upang tumanggap at pagmulan ng nakaw na pondo. Ani Deguito, kung nagkaroon ng sabwatan, wala siyang kinalaman ditto at kung may naging pagkukulang, naniwala siya at nagtiwala sa RCBC president na si Lorenzo Tan. Ipinagpatuloy ang pagdinig sa Senado kanina.
1 2 3 4