Inflation, tumaas ng 1.1 % noong Marso
TUMAAS ang headline inflation sa 1.1% noong Maros mula sa 0.9% noong Pebrero subalit nasa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mula sa 0.6 haggang 1.4% para sa buwang ito. Ang lumabas na year-to-date average inflation rate na 1.1 % at mas mababa sa apgtataya ng pamahalaan na 3.0% na mayroong 1.0% para sa 2016. Ang core inflation na hindi kinabibilangan pagkain at enerhiya.
Naganap ang inflation dahil sa bahagyang pagtaas ng presyo ng pagkain. Ang food inflation ay tumaas din tulad ng presyo ng mais, karne at isda tulad ng langis at mantika. Kung ihahambing ang inflation noong Marso sa inflation noong nakalipas na taon, patuloy pa rin itong bumababa. Nakita ito sa kuryente, gas at iba pang panggatong na tinapatan ng mas mataas na presyo ng trtansport services at maging mga restaurant at miscellaneous goods and services.
1 2 3 4