Mga kinatawan ng World Bank at UNICEF, nagalak sa Listahanan II
DADALAWANG bansa sa daigdig ang may malawak na database hinggil sa mahihirap na tumatanggap ng kaukulang tulong mula sa pamahalaan. Ayon kay Bb. Mara Warwick, country director ng World Bank, tanging ang Brazil at Pilipinas lamang ang may malawak na datos na naglalaman ng detalyes hinggil sa mahihirap na mamamayan.
Ayon kay Bb. Warwick, napayabong pa at napalawak ang impormasyong napapaloob sa Listahanan II. Nalulugod ang World Bank na makabalikat ng Pilipinas sa proyektong ito. Ipinaliwanag pa niyang mula pa noong 2008 ay umalalay na ang World Bank sa proyektong ito.
Ipinaliwanag naman ni Bb. Lotta Sylwander, country representative ng United Nations Children's Fund (UNICEF), na hindi madaling mangalap ng impormasyon mula sa mga kanayunan lalo pa't kikilalanin ang mga nasa loob ng isang tahanan at susuriin kung kasama na sila sa inaakalang makatatanggap ng benepisyo.
Bagama't suportado ng UNICEF ang mga konsultasyon, sa datos na nakamtan sa Listahanan II ay mayroong mas malawak na detalyes.
1 2 3 4