Tuloy ang operasyon laban sa Abu Sayyaf
TINIYAK ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na itutuloy ang paghahanap sa mga Abu Sayyaf sa halip na magsagawa ng imbestigasyon sa sagupang ikinasawi ng 18 kawal ng pamahalaan.
Hindi umano angkop ang imbestigasyon samantalang hindi pa tapos ang operasyon laban sa grupo.
Nauunawaan ng pamahalaan ang pagdadalamhati at sakit ng mga naulila subalit hindi angkop ang imbestigasyon samantalang tuloy pa ang operasyon sa Basilan.
Hinihiling ng mga naulila na gawin ang imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa insidente. Sinalakay umano ng mga kawal ang pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf subalit nauwi sa madugong sagupaan ang pagsalakay.
Ang bilang ng mga nasawing kawal ang pinakamataas mula ng maganap ang sagupaan sa Mamasapano sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 na pulis mula sa Special Action Force.
1 2 3 4