|
||||||||
|
||
Exports ng Pilipinas, bumaba
ANG mabagal na takbo ng ekonomiya sa daigdig ang nagpabagal ng merchanidse exports ng Pilipinas na kinakitaan ng pagbabang 4.5% noong Pebrero ng 2016.
Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority sapagkat ang total export earnings ay umabot lamang sa US$4.3 bilyon noong nakalipas na Pebrero kung ihahambing sa US$4.5 bilyon noong 2015 dahilan sa pagbaba sa lahat ng commodity groups.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na ang export performance ng karamihan ng trade-oriented economies sa Silangan at Timog Silangang Asia ay patuloy na bumababa dahil sa mahinang pangangailangan ng mauunlad na bansa dala ng pandaigdigang economic slowdown.
Sa Pilipinas, magpapatuloy ito hanggang sa pagtatapos ng taon kaya't mahalagang magkaroon ng mga panandaliang programa na susuporta sa ilang export products.
Tanging Viet Nam at Thailand lamang ang nagkaroon ng pinakapositibong kinita sa exports samantalang apektado rin ang Tsina.
Nararapat magkaroon ang Pilipinas ng 5.4% growth sa merchandise exports na nasa mababang antas na target ng Export Development Council Kabilang na rito ang pagtulong sa mga produktong mas madaling mabili kaysa ibang panindang inilalabas.
Bumaba rin ang kita sa manufactured products ng may 2.0% at umabot lamang sa US$ 3.7 bilyon mula sa US$3.8 bilyon noong Pebrero ng 2015.
Lumago sa ikasiyam na buwan ang electronic products na kumakatawan sa 49.4% ng lahat na produktong ipinagbibili ng Pilipinas sa ibang bansa.
Bumagsak din ang kita mula sa agro-based products ng may 5.8% at nakamtan ang US$ 307.9 milyon noong Pebrero ng 2016 dahil sa mas mababang benta ng coconut products at iba pang produkto.
Bumaba rin ang benta ng mineral products ng may 32.5% at umabot lamang sa US$172.6 milyon. Tanging copper concentrates lamang ang lumago.
Ang inilalabas na petroleum products ay bumaba rin ng 60.5% at natamo ang halagang US$6.1 milyon dahil sa mababang halaga ng petrolyo sa buong daigdig.
Ani Secretary Esguerra, sa pagyabong ng ekonomiya ng India at ASEAN sa larangan ng Gross Domestic Prodct, mababalanse ang pagbagal ng ekonomiya ng Tsina.
Sa pagpasok ng investments sa Indonesia at Pilipinas kasabay ng paglago ng ekonomiya ng Viet Nam at Thailand na nakabawi na sa krisis noong 2014, lalago ang ASEAN at magkakaroon ng 4.5% growth at mas mataas sa tinayang kaunlaran na 4.4% noong 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |