|
||||||||
|
||
Incoming President Duterte, tahimik sa pamumugot
WALANG pahayag si incoming President Rodrigo Duterte sa naganap na pamumugot ng Abu Sayyaf sa isa na namang Canadian national kahapon.
Ayon sa balitang lumabas sa media outlets mula sa Davao City, sinabi ni incoming presidential spokesperson Salvador Panelo na ang isyu ng Abu Sayyaf ay nararapat sagutin ng kasalukuyang administrasyon sapagkat hindi pa nauppong pangulo ang nagwaging kandidato noong nakalipas na ikasiyam ng Mayo. Ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag sa Marco Polo hotel.
Nag-usap umano sila ni G. Duterte kagabi at wala namang sinabi hinggil sa isyu.
Ayon sa Abu Sayyaf, pinugutan nila si Robert Hall sapagkat hindi nakapagpadala ng P 600 milyong ransom kahapon ng ikatlo ng hapon. Natagpuan ang pugot na ulo kagabi sa labas ng bakuran ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Atty. Panelo, pag-uusapan pa lamang nila ang gagawin laban sa Abu Sayyaf sa oras na maupo nang pangulo ang dating alkalde ng Davao City.
Sinabi naman ng ina ni Maritess Flor na si Flordelisa na nasa kamay na ni G. Duterte ang buhay ng anak niyang bihag na Filipina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |