|
||||||||
|
||
Biyahe ng Philippine Air Lines sa Beijing, nadagdagan
DAGDAG NA BIYAHE SA PAGITAN NG MAYNILA AT BEIJING INILUNSAD. Magkakasamang nagpakuha ng larawan ang mga kinatawan ng Philippine Air Lines at Embahada ng Pilipinas sa kanilang pagdiriwang. Malaking tulong ang dagdag na dalawang biyahe sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa pagpapaunlad ng turismo ang pag-uunawaan ng mga mamamayan. (DFA Photo)
NAKIISA ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing sa pagdiriwang ng Philippine Air Lines sa pagdaragdag ng biyahe sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Minister at Consul General Elizabeth T. Te na isang magandang pangyayari ang pagdaragdag ng biyahe sa pagitan ng dalawang bansa sapagkat maisusulong ang iba't ibang magagandang dalawin sa Pilipinas sa Tsina sa pamamagitan ng mas maraming biyahe.
Ani Bb. Te, sa Tsina nagmumula ang ikatlong pinakamaraming turista at sumusunod lamang sa Republic of Korea at Estados Unidos. Sa pagdagsa ng mga Tsino sa Pilipinas, nakatulong ang sektor ng turismo ng 10.6% sa Gross National Product ng Pilipinas. Mas maraming nagkatrabaho sa pagdalaw ng mga Tsino sa Pilipinas at higit na kagiging daan ng pag-unawa sa mga Filipino at mga Tsino.
Sinabi ni Russell Jao, Regional Manager for Greater China ng PAL, ang dagdag na dalawang biyahe mula sa anim na biyahe sa bawat linggo, ay ayon sa masigabong program ng Department of Tourism na "It's More Fun in the Philippines" at "Visit the Philippines Again" campaigns.
Magbubukas din ang PAL ng biyahe patungo sa Kalibo at Cebu at gagawing tatlong beses sa bawat linggo ang chartered flights sa Kalibo. Nagbabalak din ang PAL na magkaroon ng chartered flights sa pagitan ng Pilipinas at Hangzhou, Wuhan at Changsha.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |