Department of Foreign Affairs, naglabas ng pakikiramay sa mga naulila
NAGPAABOT ng taos-pusong pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa pamilya at mahal sa buhay ni G. Robert Hall at nakikiisa sa pamahalaan at mga mamamayan ng Canada sa kanyang pagpanaw kahapon.
Ang 'di makatao at malupit na ginawa ng Abu Sayyaf ang nagpapatingkad sa mga gawaing kriminal sa layuning magkamal ng salapi. Ikinagagalit ng madla ang pagtatangkang manakot at maghasik ng lagim sa bansa.
Sa pahayag, inulit ng kagawaran na hindi kailanman kinukunsinte at hindi kailanman makikipag-usap sa mga terorista. Naninindigan ang Pilipinas na hahadlang sa lahat ng uri ng terorismo.
1 2 3 4 5