|
||||||||
|
||
Mga menor de edad, wala pang sapat na kakayahang magdesisyon
KARAMIHAN NG MGA BATANG SANGKOT SA KRIMEN AY DAHIL SA KAHIRAPAN. Ito naman ang paniniwala ni dating Human Rights Commissioner Nasser A. Marahomsalic sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido hinggil sa kalagayan ng mga kabataan. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Atty. Nasser A. Marahomsalic, dating Human Rights Commissioner, na ang mga menor-de-edad ay wala pang kakayahang magsuri kung ano ang masama at mabuti.
Ito ang kanyang reaksyon sa panukalang baguhin ang batas hinggil sa mga kabataang lumalabag sa batas. Ipinaliwanag ni Atty. Marahomsalic na ang kabataang mahirap ay 'di makakakilala ng pagkakaiba ng wasto at mali sapagkat intensyong mabuhay ang kanilang prayoridad.
Ito ang dahilan kaya'y may mga kabataang nagagamit ng mga magnanakaw at sindikato ng droga sapagkat nananatiling maluwag ang batas sa mga kabataan. Subalit sa ibayong pagsusuri ay lalabas na may pananagutan ang mga magulang.
Hindi makatarungang patawan ng parusa ang mga menor-de-edad nang walang kaukulang pagsusuri sa kanilang pinagmumulan. Kung tutuusin, ani Atty. Marahomsalic ay ang mga kabataang mahihirap at 'di nakapag-aral ay mahihirapang magdesisyon hanggang sa sumapit sa edad na 18.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |