|
||||||||
|
||
Mga palaboy at ulila, may pag-asa
KAHIT MGA ULILA AT PALABOY AY MAY PAG-ASA. Sinabi ni Raymond Rimando na sa kanilang SOS Children's Village ay may mga naging piloto na ng eroplano, manggagamot at mga guro. Mahalaga lamang bigyang pansin ang pangangailangan ng magulang, dagdag pa ni G. Rimando. (Melo M. Acuna)
ANG mga kabataang wala ng mga magulang na mag-aaruga at nanganganib na mawalan ng mga magulang ay may patutunguhan sa pamamagitan ng SOS Childrens Villages sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Sinabi ni Raymond Rimando, village director ng SOS Children's Village sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City, naglliingkod na ang kanilang samahan sa nakalipas na limang dekada. Sa Pilipinas, may mga inang nag-aaruga sa kanilang mga alaga sa bawat tahanan, tumitingin sa mga pangangailangan ng kanilang mga kabataan.
Nakakapag-aral ang mga kabataang ito at ibinalita pa ni G. Rimando na mayroon ng naging piloto ng isang kumpanya ng eroplano, mayroon na ring mga naging manggagamot samantalang ang ilan ay nagpapatakbo na rin ng kanilang mga mumunting paaralan at naglilingkod sa mga kabataang kanilang kinabilangan noon.
Para kay G. Rimando, ang mga kabataang nangangailangan ng tulong ay may pag-asa mapaunlad ang kanilang buhay sa pamamagitan ng mga samahang tulang ng SOS Childrens Village.
Bukod sa mga naninirahan sa kanilang children's village ay may mga kabataang nakatira pa rin sa kanilang mga komunidad at napapangalagaan din ng mga tauhan ng SOS Children's Village.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |