|
||||||||
|
||
Pangingibang-bansa may negatibong epekto sa mga bata
SA LIKOD NG KASAGANAAN, MAY PROBLEMA PA RIN. Kahit pa mayroong US$25 bilyon ang naipadadala sa ekonomiya ng mga Overseas Filipino Workers, problema ang kinakaharap ng mga naiiwang kabataan sa Pilipinas. Ani Bb. Normina Mojica mula sa Council for the Welfare of Children, mahalaga ang mula kapanganakan hanggang pitong taong gulang sa pagpapalaki ng mga anak sapagkat ito ang "formative years."
SAMANTALANG aabot sa US$ 25 bilyon ang naipadadalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Naniniwala si Bb. Normina "Jhie" Mojica na malaki ang nawawalang panahon sa pagpapalaki ng mga anak sa oras na mangibang-bansa ang ina o ama ng tahanan.
Ayon kay Bb. Mojica ng Council for the Welfare of Children, ang pinakamahalagang panahon sa mga magulang sa kanilang pagpapalaki ng mga anak ay mula sa kapanganakan hanggang sa pitong taong gulang sapagkat ito ang tinaguriang "formative years."
Hindi maitatanggi ang mga layunin ng mga magulang na mangibang-bansa upang matiyak na makapag-aral ang mga anak at mabigyan ng mas magandang kinabukasan. Nagkakataon nga lamang na bukod sa layuning ito, nadaragdaragan ng problema sapagkat may mga kabataang nalululong sa bawal na gamot kungdi ma'y nagdadalang-tao sa kabataan pa lamang.
Sinabi nina Congressman Garbin at Commissioner Marahomsalic na mas makabubuting magkaroon ng hanapbuhay sa Pilipinas upang huwag na munang mangibang-bansa ang mga magulang. Subalit sinabi rin nilang hindi madaling magkaroon ng maayos na trabaho sa Pilipinas sapagkat maraming mga Filipino ang nakatuon ang pansin sa pangingibang-bansa.
Kung noon ay maganda ang trabaho sa America at Canada, nasundan ito ng mga hanapbuhay sa Middle East hanggang sa nakarating ang mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |