Kanselado na ang pagbili ng mga riple sa America
NAG-UTOS na si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang pagbili ng mga riple mula sa Estados Unidos.
Ipinag-utos na niyang kanselahin ang nakatakdang pagbili ng may 26,000 assault rifles. Maghahanap na rin ng bagong mabibilhan at maaaring mas mura at mas matibay.
Ito ang kanyang sinabi sa isang okasyon sa Malacanang kanina. Naunang binanggit ng America na hindi na sila magbibili ng sandata sa Pilipinas subalit sinabi ng Philippine National Police na nakabili na sila.
Ani Pangulong Duterte, na darating pa naman ang mga sandata sa Hulyo ng 2017 kaya't kinansela na niya ang pagbili ng mga armas.
1 2 3 4 5