|
||||||||
|
||
Agri-tourism, malaki ang potensyal
NANINIWALA si Bb. Cecille Lardizabal, isa sa mga namumuno sa CNN Philippines, na malaking potensyal ang napapaloob sa agri-tourism. Kanilang si Bb. Lardizabal sa sampung mga mamamahayag na dumalaw sa iba't ibang bahagi ng Tsina mula noong Lunes, ika-31 ng Oktubre hanggang noong Sabado, ikalima ng Nobyembre.
Noon pa mang mga nakalipas na administrasyon sa Pilipinas ay isinusulong na ang agri-tourism subalit ang pinaka-problema ay Kung paano Ito maipatutupad. Sa kanyang pagdalaw sa iba't ibang bahagi ng Tsina, nakita niya ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang mga pamahalaang local.
Ikinatuwa rin niya ang natamong tagumpay ng Tsina sa larangan ng mass transport. Inihalimbawa niya ang maasahang tren na umabot sa 245 kph ang pinakamabilis na takbo. Isang magandang halimbawa rin ang paliparan sa iba't ibang bahagi ng Tsina.
Ayon kay Bb. Lardizabal, ang pagtatagumpay ng pamahalaan sa larangan ng pagsasaka, turismo at mass transport ay pagpapakita lamang ng kaunlaran ng bansa.
Isa si Bb. Lardizabal sa sampung mamamahayag na nakalapag sa Beijing International Airport, Nanning International Airport, at Xiamen International Airport. Nakasakay din siya sa bullet train patungong Guilin Administrative Region.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |