|
||||||||
|
||
Pagsugpo sa Child Labor, isang malaking hamon
CHILD LABOR, PINAG-USAPAN. Makikita ang pagpapalitan ng pananaw nina Director Charisma Satumba ng Department of Labor and Employment (kanan) at mamamahayag na si Pat Santos ng Daily Tribune hinggil sa kalagayan ng mga batang manggagawa. Kabilang din sa larawan sina Cesar Giovanni Soledad ng ILO (pangalawa mula sa kaliwa) at Alex Apit, nagtatag ng Kamalayan Development Foundation, isang NGO na nagligtas ng mga manggagawang kabataan sa ilang pabrika mula pa noong dekada nobenta. (Contributed Photo/Avito Dalan)
NANINIWALA ang mga dalubhasang dumalo sa katatapos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga na isang hamon para sa lipunan ang pagsupil at pagbabawas ng mga kabataang kabilang sa "work force."
Bagama't pumapayag ang pamahalaan get magkaroon ng mga manggagawang mula 15 hanggang 17 taong gulang, kailangang ligtas sila sa anumang kapahamakan. Hindi pinapayagan ang mga kabataang mas mababa sa 15 taong gulang (sapagkat) nararapat silang nasa paaralan, makapaglaro at masanay at bayaang lumaki ng maayos.
Hindi kailanman papayagan ang "forced labor" at pambayad ng utang ng mga magulang, mga kabataang napapasok sa mga labag sa batas na gawain tulad ng pagdadala at pamamahagi ng illegal drugs.
Ito ang sinabi ni Director Cesar Giovanni Soledad ng International Labor Organization, nabatid na mayroong 3.3 milyong kabataang nagtatrabaho mula sa 26.6 milyong kabataang sa buong bansa.
Sa panig ni Director Charisma Satumba ng Department of Labor and Employment, may kaukulang programa at mga gawain upang maibsan ang mga kabataang kanilang sa labor force ng bansa.
Bagama't mayroong kakayahan ang kanilang tanggapang dumalaw sa mga pagawaan at mag-inspeksyon, karaniwang nagaganap ito sa mga pagawaan at 'di pa nila naisasama ang mga sakahan. Umaasa siyang magkakaroon din ng pagkakataon ang labour inspectors na alamin ang tunay na kalagayan ng mga pabrikang posibleng katatagpuan ng mga manggagawang kabataan. Kulang ang kanilang mga tauhang gagawa ng inspeksyon sa mga kanayunan at maging sa mga barangay upang mabatid ang katayuan ng mga kabataang manggagawang-bukid.
Ipinaliwanag naman ni G. Alex Apit, nagtatag ng Kamalayan Development Foundation na sa kanilang pagsalakay sa isang kumpanya ng sardinas, nabunyag sa lipunang Filipino ang katayuan ng mga manggagawang kabataang nagmula sa mga kanayunang natatamnan ng tubo. Siyam umanong kabataan ang kanilang nailigtas matapos salakayin ng mga kagawad ng Department of Labor and Employment at mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Kamalayan Development Foundation ang pabrika.
Maayos na rin ang kalagayan ng mga dating manggagawang nailigtas sapagkat mayroon nang nagtatrabaho sa Guam, sa Estados Unidos at mayroong nasa Saudi Arabia. Nakapagpapadala na sila ng salapi sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Apit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |