Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nanawagan sa mga Filipinong ilegal na naninirahan sa America na umuwi na

(GMT+08:00) 2016-11-16 17:07:30       CRI

Simbahan, nanawagan sa pamahalaan laban sa relokasyon

NANAWAGAN ang National Secretariat of Social Action sa pamahalaan na huwag ituloy ang balak ng pamahalaang lokal ng Tacloban na ilikas ang may 3,500 pamilya mula sa tinaguriang danger zones.

Ayon sa koalisyon ng may 163 samahan at sampung non-government organizations, nakatakdang gibain ng pamahalaang lokal ang mga tahanan ng mga naninirahan sa 15 barangay sa tabing-dagat partikular sa Magallanes at San Jose Districts sa Tacloban City.

Minamadali umano ang paggiba ng mga tahanan sa kautusan ni Pangulong Duterte upang matapos ang pagtatayo ng mga bagong tahanan para sa mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda" sa darating na buwan ng Disyembre.

Sa kanilang liham kay Cabinet Secretary Jun Evasco, sinabi ng samahan na kailangang pagbalik-aralan, baguhin at paghusayin ang rehabilitation at reconstruction process.

Mahirap ilipat sa hilagang bahagi ng lungsod ang mga biktima sapagkat walang hanapbuhay at mahirap makarating sa mga paaralan, pamilihan at pagamutan.

Wala pa umanong tubig at kuryente sa hilagang bahagi ng lungsod, dagdag pa ng grupo. Bukod sa NASSA/Caritas, kasama rin sa koalisyon ang Urban Poor Associates at Canadian Catholics for Development and Peace.

Kasama rin sila ng Arkediyosesis ng Palo at Congregation of the Most Holy Redeemer sa pagpapaunlad ng "Pope Francis Village," isang pangmatagalan at in-city relocation site sa Barangay Diit, Tacloban City na makatatanggap ng 550 pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan dala ng bagong "Yolanda."

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>