|
||||||||
|
||
Guidelines para sa Chinese investments, pasado na kay Pangulong Duterte
IBINALITA ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pasado na sa National Economic and Development Authority Board na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alituntunin sa paggamit at pagtanggap na suporta ng Tsina para sa pagsasagawa ng pre-investment at investment activities.
Sa isang press briefing sa Malacanang kanina, ang guidelines ay gawa ng isang investment committee hinggil sa mga commitment at pledges na ginawa ng Beijing at mga mangangalakal na Tsino sa matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina noong nakalipas na buwan.
Kailangang masuri at masala ang mga panukalang pagtutulungan ng dalawang bansa at masinop na paggamit ng salapi para sa mga proyekto na maipapasa ay makatutulong sa mga mamamayang Filipino.
Ito ang inilabas na pahayag ng Department of Finance upang matiyak ang transparency at pagtutulungan ng magkabilang-panig sa oras na ang mga ahensya ng pamahalaan, ang mga government owned and controlled corporations, mga ahensyang may kinalaman sa pananalapi at mga pamahalaang lokal ang hihingi ng tulong mula sa mga bangkong Tsino.
Kailangang ang pondo para sa pre-invesment studies ay hindi makagigipit sa bansa, teknolohiya o magpapaluwag o magpapautang. Pangalawa, ang mga supplier ay tunay na may kakayahan at maayos ang pangalan, at ang mga kontrata ay papabor sa pamahalaan, dagdag pa ni G. Abella.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |