Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nanawagan sa mga Filipinong ilegal na naninirahan sa America na umuwi na

(GMT+08:00) 2016-11-16 17:07:30       CRI

Away ng mga pamilya Marcos at Aquino, itinangging dahilan ng pagkontra sa libing ng yumaong diktador

 

KONTRA SA LIBING NI MARCOS. Nanindigan si Gng. May V. Rodriguez, tagapagsalita ng Bantayog ng mga Bayani Foundation na hindi nararapat malibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga kasalanang nagawa niya sa bayan. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina. (MMA)

HINDI MAGHIHILOM ANG MGA SUGAT. Lubhang malalim ang sugat na iniwan ng Batas Militar sa mga mamamayan sa Pilipinas. Ito ang pahayag ni dating Congressman Neri Colmenares. Bagama't pabor sila sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng independent foreign policy, hindi nila kailanman masusuportahan ang pagpapalibing sa yumaong diktador sa isang libingang nakalaan para sa mga bayani ng bayan. (MMA)

MARAPAT ILIBING SI MARCOS SA LNB. Ipinaliwanag ni Atty. Larry Gadon na bilang kawal at dating pangulo ay nararapat mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni G. Marcos. Ang mga pagkontra ng iba't ibang sektor ay kagagawan ng mga "dilawan," dagdag pa ng abogado. (MMA)

MARIING itinanggi ni dating Congressman Neri Colmenares at May V. Rodriguez na nag-uugat ang pagtutol ng ilang sektor ng lipunang Filipino sa matinding away ng mga Marcos at mga Aquino.

Ito ang kanilang reaksyon sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na nagmula ang 'di pagpayag sa paglilibing sa labi ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa away ng dalawang pamilya.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Gng. Rodriguez, tagapagsalita ng Bantayog ng mga Bayani Foundation na wala silang paki-alam sa away ng dalawang pamilya sapagkat sila'y mga biktima ng Batas Militar ni Marcos mula noong 1972 haggang sa taong 1986. Maraming nasawi, nawala, napaslang at mga nagdalamhati sa panunungkulan ni Marcos na tumanggi nang umalis sa poder.

Para kay dating Congressman Neri Colmenares, hindi basta maghihilom ang mga sugat na iniwan ni dating Pangulong Marcos na isang diktador sapagkat kinilala ng Korte Suprema ang mga katiwaliang naganap, paglabag sa Karapatang Pangtao at iba pang paglabag sa batas. Kinilala rin ng Sandiganbayan ang mga pagkakamali ng mga Marcos sa salaping kinilalang ill-gotten wealth.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Larry Gadon na kagagawan nina dating Senador Benigno Aquino, Jr., Jose Maria Sison at Bernabe Buscayno kaya't nagkagulo sa Pilipinas na naging daan ng pagdedeklara ng Martial Law.

Anang abogado, sina Jose Ma. Sison at Ninoy Aquino, Jr. ang nasa likod ng Plaza Miranda bombing noong 1971 na ikinasawi ng ilan at ikinasugat ng marami tulad nina dating Senador Jovito Salonga. Kagagawan din umano ni dating Senador Aquino ang sinasabing pagkakabunyag ng Jabidah Massacre ng mga Muslim na nakatakdang manakop sa Sabah na bahagi ng Pilipinas.

Malayo na sana ang narating ng Pilipinas, dagdag pa ni Atty. Gadon kung hindi ipinasara ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Bataan Nuclear Power Plant na dahilan ng napakamahal na kuryente sa bansa.

Tumanggi naman si Gng. Rodriguez sa pahayag na ito sapagkat wala pa man sa posisyon si Pangulong Aquino ay ipinatigil na ng World Bank ang proyekto sapagkat may mga problema ito sa istruktura at halaga.

Binanggit ni Atty. Gadon na nagkakahalaga ang planta ng isang bilyong dolyar na sinagot naman ni Atty. Colmenares na umabot sa US$ 2.2 bilyon ang nautang ng Pilipinas sapagkat mayroong overpricing na naganap.

Niliwanag din ni Atty. Colmenares na bagama't suportado ng kanilang grupo ang karamihan ng mga programa ni Pangulong Duterte tulad ng independent foreign policy, hindi ito nangangahulugan na suportado nila ang lahat ng paniniwala ng pangulo tulad ng pagpapalibing sa dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Naniniwala silang mapagbibigyan sila ng Korte Suprema sa kanilang hinihinging sapat na panahon upang suriing mabuti ang itinatadhana ng mga batas na kumikilala sa mga inililibing sa Libingan ng mga Bayani.

Para kay Gng. Rodriguez, hindi niya maaatim na makitang ibibigay ang tiniklop na watawat sa mga naulila ng yumaong diktador sapagkat mababanggit ng magbibigay ng bandila na simbolo ito ng pasasalamat sa paglilingkod ng yumao sa taongbayan.

Masakit umanong makita ang ganitong pagkakataon samantalang maraming naghirap sa ilalim ng batas militar. Ipinaliwanag pa niyang ang mga batas na iniakda ni Pangulong Marcos noong Martial Law ay naging mapanupil sapagkat mayroong mga tinaguriang secret decrees kaya't madarakip na lamang ang isang tao ng walang kamalay-malay na may nalabag siyang batas.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>