|
||||||||
|
||
Seguridad sa lahat ng transport hub, ipinatutupad
NAG-UTOS si Transport Secretary Arthur P. Tugade na ipatupad ang mahigpit na seguridad sa lahat ng transport hub sa bansa sapagkat mahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Tugade na kailangang tuloy-tuloy ang seguridad sa mga daungan, paliparan, bus terminal at iba pang dinaraanan ng mga mamamayan. Kailangangn maiwasan ang pagpasok ng mga lalabag sa batas.
Ipinaliwanag naman ni Undersecretary for Aviation Capt. Manuel Antonio Tamayo na nag-utos na rin siya sa lahat ng mga tauhan na magpakalat ng nakauniporme at naka-sibilyang mangangasiwa sa seguridad. Nagpatupad na rin ng kanilang security measures si General Manager Ed Monreal sa kanyang nasasakupan sa Ninoy Aquino International Airport terminals.
Kahit umano sa parking lots, sa arrival lobby, departure area, check-in, immigration, boarding at waiting at greeting areas ay magkakaroon ng security measures.
Ito ang tugon ni Secretary Tugade sapagkat may panganib na posibleng magmula sa Maute Group. Kasama rin sa magpapatupad ng security measures ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |