|
||||||||
|
||
Vietnames, nailigtas mula sa Abu Sayyaf
NAKALIGTAS sa pagkakabimbin ng higit sa pitong buwan si Hoang Vo, isang tauhan ng isang barkong Vietnamese sa pagtatapos ng military operations Sumisip-Ungkaya Pukan Complex sa Basilan kaninang ikawalo't kalahati ng umaga.
Ayon sa pahayag ng AFP Western Mindanao command, natagpuan ng mga kawal ng Joint Task Foce Basilan sa ilalim ni Colonel Juvymax Uy si Hoang matapos ang sagupaan sa pagitan ng Abu Sayyaf sa ilalim ni Furuji Indama at ng mga kawal ng pamahalaan. Nagkaroon ng airstrike at paggamit ng mga kanyon.
Nakatakas si Hoang mula sa Abu Sayyaf na naghiwa-hiwalay ng takbo sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Dinala sa pagamutan si Vo, 28 taong gulang at may sugat sa likod. Mula sa Nghe An sa Vietnam ang nailigtas. Nadukot si Vo kasama ang limang iba pang Vietnames noong ika-16 ng Nobyembre, 2016.
Hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang may 26 katao, 21 ang nasa Sulu at may lima sa Basilan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |