|
||||||||
|
||
Bubuwagin ng Kongreso ang Court of Appeals
NAGBABALA si House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng buwagin ng Kongreso ang Court of Appeals sa pagpapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng Kongreso at hukuman sa pagkakabimbin ng anim na opisyal ng Ilocos Norte.
Sinabi ni Speaker Alvarez na gawa lamang umano ng Kongreso ang Court of Appeals kaya't maaaring buwagin ang hukuman anumang oras na gustuhin ng Kongreso.
Binalaan din ni Alvarez na ipatatanggal sa pagiging abogado sina Associate Justice Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonino-Valenzuela dahilan sa kawalan ng kaalaman sa batas.
Tinagurian pa ng "kung anu-ano" ni Speaker Alvarez ang mga mahistrado. Patuloy na sinusuway ni Speaker Alvarez ang kautusan ng hukuman na palayain ang mga kawani ng Ilocos Norte provincial government matapos mapatunayang nagkasala ng contempt sa mga kakaibang sagot sa pagsisiyasat hinggil sa pagbili ng mga sasakyan na gamit ang pondong mula sa tabako.
Sinimulan na rin ng Court of Appeals ang pagdinig sa kasong contempt laban kina Speaker Alvarez at House Sgt. At Arms Retired General Detabali.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |