|
||||||||
|
||
Pakikipag-ugnayan sa mga bupete sa iba't ibang bansa pinag-aaralan
SINUSURI ng Department of Foreign Affairs ang pakikipag-ugnayan sa mga bupete ng iba't ibang abogado sa ibang bansa upang matulungan ang mga Filipinong may usaping legal, lalo na ang mga nahaharap sa parusang kamatayan.
Pinag-aaralan nilang magkaroon ng mas maraming retainer agreements sa mga lugar na maraming Filipinong may kaso. Inatasan umano siya ni Pangulong Duterte na madaliin ang programang ito.
Pinagbabalik-aralan na nila ang mga kaso ng mga Filipino na nasa death row sa ibang bansa sa pag-asang magkaroon ng panibagong apela at mailigtas ang mga akusado sa kamatayan.
Mayroong 76 na Filipinong na sa death row, karamihan, 25 sa kanila ay na sa Saudi Arabia. Hindi pa kasama sa bilang na ito ang siyam na Filipinong hinatulan ng kamatayan sa pagsalakay sa Sabah noong 2013 na ikinasawi ng may70 katao.
Inutusan na ni G. Cayetano ang Office of Public Diplomacy na alamin ang detalyes ng usapin upang makapag-apela.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |