“Iyong hotline ay importante, kasi tungkol sa timing, kailangang maabatan natin.”
Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng pagbukas ng direktang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Maritime and Ocean Affairs Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Tsina, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.
Sa dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong Enero, 2023, kapuwa binigyang-diin nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahalagahan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Kinilala rin nila ang makabuluhang papel ng Foreign Ministry Consultations (FMC) at Bilateral Consultation Mechanism (BCM) sa South China Sea, at napagpasiyahang itatag ang naturang mekanismo ng direktang komunikasyon sa pagitan ng DFA at MOFA.
“Pag may problema, tawag kaagad, mag-usap kaagad. Kasi, kung makakatagalan iyon, hindi mo alam kung anong mangyayari sa... on the ground, or on the ocean. So, iyon ang gusto nating mangyari at iyon ang ginagawa natin,” dagdag ni Embahador FlorCruz hinggil sa operasyon ng nasabing bagong-tatag na direktong komunikasyon ng dalawang bansa.
Mabuti aniyang magkaroon ng ganitong direkta, bukas at malakas na komunikasyon ang Pilipinas at Tsina, upang maayos na maresolba ang mga isyung may-kinalaman sa South China Sea, at mapanatili ang kapayapaan at istabilidad ng relasyon ng dalawang bansa at rehiyong Asya-Pasipiko.
Ulat: Kulas
Patnugot sa website: Kulas
Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade
Panayam: Rhio
Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang
Light: Han Peng
Audio: Yang Guohui
Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade
Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade
Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi
Relasyong Pilipino-Sino, sa mata ni Embahador Jaime FlorCruz
Amb. Jimi: Pagkakaibang pandagat, dapat ma-manage gamit lahat ng diplomatic channels
Amb. Jimi: End goal na modernisasyon ng Pilipinas at Tsina, pareho
Amb. Jimi: Pagkikita ng dalawang pangulo, nagpapalawig ng relasyong Pilipino-Sino
Amb. Jimi: Pilipinas at Tsina complementary, pagsasanib ng dalawang bansa logical
Amb. Jimi: Mga kasunduang pangkooperasyon ng Pilipinas at Tsina, magdadala ng tangible benefits
Amb. Jimi: Synergy ng Build Better More at Belt and Road Initiative, mabunga