Sinabi kahapon sa Geneva ni Bruce Aylward, Asistenteng Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na patuloy na kumakalat ang epidemiya ng Ebola sa Kanlurang Aprika. Kung hindi i-uupgrade ang katugong hakbangin sa darating na ilang buwan, aabot sa 5 libo hanggang 10 libo sa Disyembre ang bilang mga bagong dagdag na kaso bawat linggo sa mga purok na grabeng naapektuhan ng epidemiya na gaya ng Guinea, Liberia, at Sierra Leone.
Sa isang news briefing sa punong himpilan ng WHO nang araw ring iyon, isinalaysay ni Aylward na nitong isang buwang nakalipas, may halos 1000 kumpirmado, pinaghihinalaan, at posibleng kaso ng pagkahawa ng Ebola bawat linggo, at umabot sa 70% ang death rate.
Ayon sa estadistika ng WHO, hanggang kahapon, 8914 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmado, pinaghihinalaan, at posibleng kaso ng pagkahawa ng Ebola sa Kanlurang Aprika, at 4447 katao ang namatay.
Salin: Vera