Ipinahayag kamakailan ni Ong Ka Chuan, Pangalawang Ministro ng Pandaigdigang Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na ang patakaran ng "pagbabawas ng sobrang kapasidad sa produksyon" na isinasagawa ng Tsina ay nagbibigay-pagkakataon para sa pag-unlad ng industriya ng bakal ng Malaysia. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng Malaysia ang pagkakataong ito para palawakin ang pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal ng bakal ng Tsina.
Ipinahayag ni Ong Ka Chuan na ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpababa ng Tsina ng kakayahang produktibo sa bakal, kundi rin sa pagpapalawak ng bagong pamilihan, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina.