Noong Enero, 2013, unilateral na isinumite ng Pilipinas ang international arbitration hinggil sa isyu ng South China Sea. Sa kasalukuyan, ipinalalagay ng media na gagawin ng arbitral tribunal sa Hague ang pinal na konklusyon, bago katapusan ng darating na Hunyo, 2016. Sa 2016 Annual Symposium ng Samahan sa Pandaigdigang Batas ng Tsina, na idinaos sa Jilin University, noong Mayo 7-8, 2016, muling naging pokus ang nasabing arbitrasyon.
Nang kapanayamin ng China Radio International, ipinahayag ni Xiao Jianguo, Pangalagawang Direktor ng Departamento ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Hanggahan at Karagatan, na hindi tanggap, hindi nakikilahok, at hindi kinikilala ng Tsina ang proseso ng arbitrasyon. Aniya pa, hindi rin ipapatupad ng kanyang bansa ang magiging desisyon ng tribunal.
Tinukoy ni Xiao na ang unilateral na aktibidad na isinagawa ng Pilipinas ay labag sa pandaigdigang batas. Samantala, ang arbitral tribunal na itinatag sa Hague, alinsunod sa kahilingan mula sa Pilipinas ay kulang din sa pundasyong pambatas at katarungan, dagdag pa ni Xiao.