|
||||||||
|
||
Mga progresibong grupo, nagmartsa tungo sa Mendiola
IBA'T IBANG grupo ang nagmartsa sa mga lansangang patungo sa Mendiola sa may Malacanang upang magprotesta sa pagkakalibing sa dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani at kondenahin ang mga kawalan ng katarungan sa pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio.
Dinurog din ng grupo ang ginawang lapida ni Pangulong Marcos. Nakasuot ng pula, ang iba't ibang grupo ay nagmartsa mula sa Welcome Rotonda sa Quezon City hanggang Mendiola sa Maynila. Ang mga nagprotesta ay pinamunuan ng Kilusang Mayo Uno.
Dumalo rin ang mga kasapi ng Gabriela, Anakbayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at iba pa.
Kung noong nakalipas na Nobyembre 25 ay natampok ang mga kabataan, nagparamdam naman ang mga manggagawa at mga mamamayang pinahirapan ni Marcos na kumontra sa pagtatayo ng mga unyon. Ito ang pahayag ni Vencer Crisostomo, national chairperson ng Anakbayan.
Matapos ang kanilang martsa, tutuloy ang grupo sa Bantayog ng mga Bayani upang dumalo sa pagpaparangal sa mga lumaban sa Batas Militar ni Marcos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |