Pinaghihinalaang na sa likod ng pampasabog sa may US Embassy, nadakip
NADAKIP ng pinagsanib na mga tauhan ng Manila at Bulacan police ang isang lalaking nag-iwan ng pampasabog sa may Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila noong Lunes.
Ayon sa isang ulat mula sa Bulacan police, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang Rayson Kilala na may pangalang Muslim na Rashid Kilala sa isang follow-up operation sa bayan ng Bulakan. Nabatid na ginamit na address ni Kilala, isang 34 na taong gulang, ang Bagumbayan, Bulakan.
Inilabas ni PNP Director General Ronald dela Rosa sa mga mamamahayag ang larawan ng suspect na sinasabing mula 44 hanggang 45 taong gulang na may taas na 5'2 hanggang 5'3 na pangkaraniwan ang pangangatawan at may kayumangging kulay.
Idinagdag ni General dela Rosa na nagmamaneho ang suspect ng isang puting taxi ng tumigil sa isang pook malapit sa embahada ng Amereica at naglagay ng improvised explosive device sa isang basurahan may 200 metro ang layo mula sa gusali.
1 2 3 4 5