|
||||||||
|
||
Arsobispo Jumoad, naitalaga na
SUMAKSI ang may 2,000 katao sa pagtatalaga kay Arsobispo Martin Jumoad, 60 taong gulang bilang Arsobispo ng Archdiocese of Ozamiz sa Katedral ng Immaculada Concepcion. Itinalaga siya sa kanyang bagong tungkulin ni Arsobispo Giussepe Pinto sa misang dinaluhan ng higit sa 20 mga obispo at may higit sa 200 pari.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Arsobispo Jumoad sa kanyang bagong tungkulin lalo pa't hindi niya inaasahang mahihirang bilang arsobispo mula sa isang maliit na prelatura sa Isabela, Basilan.
Nanawagan siya sa mga mamamayan ng Ozamiz na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Simbahan samantalang nanawagan din siya sa mga opisyal ng pamahaalan na tumulong upang makamtan ang kaunlaran.
Pabiro niyang sinabi na nararapat gastusin ang salapi ng pamahalaan sa tamang paraan.
Sa panig naman ni Arsobispo Giussepe Pinto, ipinagkakatiwala na niya si Arsobispo Jumoad sa mga mananampalataya ng Arkediyosesis ng Ozamiz at nanawagang pag-ibayuhin ang patutulungan ng Simbahan at mga mamamayan upang higit na gumanda ang kinabukasan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |