Sa paanyaya ng Paksitan at Afghanistan, dumalaw si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa dalawang bansa, mula ika 24-25 ng buwang ito.
Sa isang preskong idinaos sa Pakistan, na magkasamang dinaluhan nina Wang Yi at Sartaj Aziz, Tagapayong Panlabas ng Punong Ministro ng Pakistan, ipinahayag ni Wang na ang biyaheng ito ay para pabutihin ang relasyon ng Pakistan at Afghanistan, at pasulungin ang pambansang rekonsilyasyon ng Afghanistan. Binigyang-diin ni Wang na palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng di-pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa, di-pagpilit ng sariling hangarin sa ibang bansa, at di-pakikisangkot sa komprontasyong dulot ng geopolitics. Pero, kung kailangan aniya, nakahanda ang Tsina na magbigay-tulong sa mga kaibigan. Sinabi niyang bilang estratehikong magkatuwang at mapagkaibigang magkapitbansa, pinahahalagahan ng Pakistan at Afghanistan ang kasalukuyang diplomatikong mediyasyon mula sa Tsina, at ito ay nagpapakita ng kanilang tiwala sa Tsina.
Ipinahayag ni Wang na tinalakay ng mga lider ng tatlong panig ang hinggil sa mga may-kinalamang isyung kapuwa nila pinahahalagahan, at narating na ang malawak na pagkakasundo. Inilabas din aniya ng tatlong panig ang isang magkasanib na kumunike.