Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

US$ 354 Milyon pa lamang ang naiipon para sa program ng United Nations sa mga binagyong pook

(GMT+08:00) 2014-02-14 17:39:12       CRI

NAIWASAN ang full-blown crisis sa mga pook na nasalanta ni "Yolanda." Ito ang pahayag ni Luiza Carvalho, ang Humanitarian Coordinator ng United Nations sa Pilipinas.

Nagkatulungan ang United Nations at ang Pamahalaan ng Pilipinas upang maibalik sa ayos ang kalagayan ng gitnang bahagi ng Pilipinas. Sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng pagsusuri ang mga ahensya upang mabigyang-diin ang pagpapabahay at makapagbigay ng hanapbuhay. Tatapatan ng United Nations and mga binabalak ng Pilipinas sa ilalim ng Recovery Assistance for Yolanda (RAY) na inilunsad noong Disyembre.

Inaalam pa nila ang magiging larawan ng pag-ulat na sasakop sa mga nagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Bopha, ang krisis sa Zamboanga, lindol sa Bohol at mga nagaganap sa Mindanao.

Kasama sa ulat ng United Nations ang pagkakaroon ng may 100 pamilyang apektado ng oil spill dulot ng bagyong "Yolanda." May 550 katao ang ninirahan sa isang evacuation center.

Nakabalik na ang karamihan sa mga pamilya sa pagsisimula ng paglilinis. Binigyan ang karamihan sa kanila ng shelter kits at mga tolda. Sa kasagsagan ng krisis, umabot sa 2,000 katao ang nanirahan sa evacuation center.

Noong Sabado, may 19 na pamilya ang lumipat sa bagong tayong bunkhouses sa bayan ng Concepcion. May 84 na bunkhouses ang naitayo sa bayan ay nagbabalak pang magtayo ng may 36 na iba pa.

Sa target na US$ 788 milyon, 45% pa lamang ang nalilikom hanggang kahapon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>