|
||||||||
|
||
US$ 250 Milyon para sa Pilipinas, nakapasa sa Board of Directors ng Asian Development Bank
SA unang pagkakataon mula ng maging batas ang Local Government Code ng Pilipinas noong 1991, magkakaroon ito ng malawakang pag-susuri at pag-aaral upang higit na mapasigla ang pananalapi ng mga bayan at matiyak ang paglilingkod sa mga mamamayan. Layunin ding matulungan ang economic development at pagkakaroon ng mga hanapbuhay para sa mga mamamayan.
Gagastusan ito ng may US$250 milyon pautang na nakapasa sa Asian Development Bank bilang suporta sa local government finance at fiscal decentralization reforms sa bansa.
Ayon kay Juan Luis Gomez, senior public management specialist ng Southeast Asia Department ng ADB, ang Pilipinas ay nagkaroon ng mga hakbang tungo sa pagpapahusay ng financing system ng mga bayan, lungsod at lalawigan. Bahari rin ang pagkakaroon ng reporma upang maitaas ang kita at mapag-ibayo ang paglilingkod sa mga mamamayan.
Nahihirapan pa rin umano ang mahihirap na local government units na maghatid ng government services na kailangan ng kanilang mga mamamayan. Sa pagkakataong ito, lumalaki ang agwat ng iba't ibang rehiyon.
Ang programang ito ay makatatanggap ng parallel co-financing na US$ 150 milyon mula sa Agence Francaise de Developppement.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |