Manggagawang Pilipino mula Syria, nakauwi na
MAY 38 mga Filipino mula sa Syria ang dumating kaninang ika-apat ng hapon sakay ng Emirates Airlines Flight EK 332.
Sa kanilang pagdating, umabot na ang bilang ng mga nakauwi mula sa magulong bansa sa 5,212. Sa bilang na ito'y mayroong 2,185 ang nakauwi sa pagdaan sa Lebanon sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut.
Kinausap ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus ang mga namumuno sa mga samahang Pilipino noong Linggo upang ipabatid ang katapatan ng pamahalaang ipatupad ang Mandatory Repatriation Program (MRP) at iparating din ang balitang ito sa mga interesadong umuwi na ng Pilipinas.
Maaari silang tumawag sa Embahada ng Pilipinas sa numerong 00964-11-6132626, 0963-949155557 at 00963-934957926. Maaari din silang mag-email sa damascus@gmail.com.
1 2 3 4 5