|
||||||||
|
||
Mga parokya sa Maynila, handang mangolekta ng electronic wastes
TINIYAK ni Lou Arsenio ng Ministry on Ecology ng Maynila na tutulong ang mga simbahang saklaw ng Arkediyosesis ng Maynila sa pangungulekta ng electronic wastes maipagsanggalang lamang ang kapaligiran.
Sa likod ng pangakong ito, nanawagan si Gng. Arsenio sa pamahalaan na maglagay ng kaukulang treatment facilities sa bawat barangay.
Hindi umano sasapat ang pagkakaroon ng material recovery facilities upang ligtas na maalis ang mga e-wastes.
Ipinaliwanag pa niya na kailangan ang mga ito sapagkat delikado ang mga kakaibang basura o toxic wastes. Nangako umano ang Department of Energy na magtatayo ng mga pasilidad na mag-iipon ng mga mercury o mga pundidong compact fluorescent lamps subalit wala pang nagaganap o nagkakatotoo sa mga pangakong ito.
Pinalalakas ng grupong Ban Toxics ang kampanya upang maisulong ang tamang waste management at pagbabawas ng mga nakalalasong kagamitan.
Tuloy pa rin ang "Toxic-Free School Program" upang masanay ang mga guro, mag-aaral at mga magulang na maayos na itapon ang kanilang e-wastes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |