Mas maraming katekista, makabubuti
ANG pagkakaroon ng mga bagong recruit sa larangan ng katesismo ay nangangahulugan ng pagsasanay ng mas nakababatang mga katekista.
Ayon kay Rev. Richard Lagos, isang deakono ng St. John the Evangelist Parish sa Guimba, Nueva Ecija, pinagtutuunan nila ng pansin ang mas maraming mga kasapi na sumailalim na sa formation program sa kanilang mga parokya at mga samahan tulad ng Young Catholic Movement.
Bahagi ng kanilang misyon ang magsanay ng mga naglilingkod ng kabataang magiging mga katekista. Unang hakbang ang Knowing the Self na tugma sa standards of selfhood. Phase two naman ang Bridging Leadership at pagkikintal ng servant-leadership at ang pangatlo ay ang Faith Formation upang maging isang tunay na KAKA o Kabataang Katekista.
May 8,500 na ang kanilang mga kasama, kabilang na ang on-line members ng YouCat Study Group.
1 2 3 4 5