|
||||||||
|
||
Kababaihan, kawani na sa larangan ng road maintenance
KABABAIHAN, NASA ROAD MAINTENANCE NA RIN. Ibinalita Department of Public Works and Highways na matagumpay ang pagtutulungan ng kanilang tanggapan at Department of Social Welfare upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga kababaihan. Na sa larawan ang isa sa mga kababaihang masaya sa kanyang bagong hanapbuhay. (DPWH Photo)
NGAYONG buwan ng kababaihan, lumabas na ang balitang abala na rin ang mga kababaihan sa gawaing karaniwang hawak ng kalalakihan.
Sa Department of Public Works and Highways, nakipagtulungan an sila sa Department of Social Welfare and Development sa pagbubukas ng hanapbuhay para sa kababaihan sa larangan ng road maintenance. Ito ang laman ng pahayag mula sa tanggapan ni Secretary Rogelio Singson.
Nagkaroon ng orientation sa pagpapatakbo ng kneading machine sa DPWH – Cagayan 2nd District Engineering Office Compound sa Libertad, Abulug, Cagayan kamakailan. Ang mga natanggap na kababaihan ay abala ngayon sa paglalagay ng thermoplastic pavement markings sa Manila North Road sa Abulug, Cagayan.
Masaya si Chinee Gaba, 23 taong gulang na kabilang sa unang koponan ng mga kababaihang na sa ganitong uri ng hanapbuhay. Isang nagngangalang Jenelin Palatan ng Tuguegarao City ang nagsabing mahirap man ang trabaho ay naging magaan sapagkat may magagandang kagamitan, working environment at magandang pagtrato sa kanila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |