|
||||||||
|
||
你nǐ觉jué得de她tā怎zěn么me样yàng?她tā很hěn漂piào亮liang。
她tā特tè别bié聪cōng明míng。
20140519Aralin8Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa isang tao, halimbawa, sa wikang Filipino, puwede ninyong sabihin "Ano ang palagay mo hinggil sa kaniya?" o "Ano ang masasabi mo hinggil sa kaniya?" Ang katumbas nito sa wikang Tsino ng ay:
你nǐ觉jué得de她tā怎zěn么me样yàng? Ano ang masasabi mo hinggil sa kaniya?
你, ikaw o ka.
觉jué得de, ipalagay.
她tā, siya
怎zěn么me样yàng, paano.
Narito ang usapan sa tunay na tagpo:
A:你觉得她怎么样?Ano ang masasabi mo hinggil sa kaniya?
B:她tā很hěn漂piào亮liang。Talagang maganda siya/Magandang maganda siya.
她tā特tè别bié聪cōng明míng。Talagang matalino siya. Matalinong matalino siya.
Ang sagot ay nangangahulugang "Siya ay labis na maganda" sa Filipino. Sa wikang Tsino, ito ay:
她tā很hěn漂piào亮liang.
她tā, siya.
很hěn, labis.
漂piào亮liang, maganda.
Mayroon isa pang sagot sa usapan. Sa Filipino, ito ay "Siya ay labis na matalino". Sa wikang Tsino, ito ay:
她tā特tè别bié聪cōng明míng。
她tā, siya.
特tè别bié, labis.
聪cōng明míng, matalino.
Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Ang Opisyal na Maskot ng Beijing 2008, ang ika-29 na Olimpiyada ay limang malarong manyika na tinatawag na Fuwa. Nakuha ng mga mamamayan ang kulay at inspirasyon ng Fuwa mula sa malawak na teritoryong Tsino at sa kaibig-ibig na katangian ng mga hayop. Ang Fuwa ay may dalang mensahe ng pagkakaibigan at kapayapaan at ng diwa ng sigasig at magandang pagpapala ng harmoniya mula sa Tsina sa lahat ng mga kabataan sa iba't ibang panig ng mundo. Taglay ng Fuwa ang likas na mga katangian ng Isda, Panda, Tibetan Antelope, Langaylangayan at Sulo ng Olimpiyada. Ang bawat isa sa kanila ay may magkasintunog na dalawang-pantig na pangalan, isang tradisyonal na paraan ng pagpapahayag ng damdamin para sa mga bata sa Tsina. Sila ay sina Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying at Nini. Kung pagsasama-samahin ang kanilang mga pangalan-Bei Jing Huan Ying Ni-Sinasabi nilang "Tuloy kayo sa Beijing," na nagpapaabot naman ng mainit na paanyaya sa mundo.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araw na ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |