Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May panahon pa upang makapaghanda

(GMT+08:00) 2014-05-28 18:41:49       CRI

Pilipinas at Korea, nagkasundong magtutulungan

NANGAKO ang Pilipinas at Republika ng Korea na magkakaroon ng mas malapit na bilateral at regional cooperation sa pagdiriwang ng ika-65 taon ng pagkakibigan sa pagtatapos ng 5th Policy Consultations kahapon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.

Si Undersecretary for Policy Evan P. Garcia ang namuno sa delegasyon ng Pilipinas kasama si Asst. Secretary for Asian and Pacific Affairs Minda Calaguian – Cruz at Ambassador to Korea-designate Raul S. Hernandez. Sinabi First Vice Foreign Minister Cho Tae Yong at Ambassador Lee Hyuk ang namuno sa panig ng Republic of Korea na kinatampukan ng mga kawani ng Ministry of Foreign Affairs at Republic of Korea Embassy sa Maynila.

Pinagbalik-aralan nila ang higit na pagpapalago ng bilateral relations at pinag-usapan ang kaukulang hakbang upang mapag-ibayo ang pagtutulungan sa larangan ng politika, tanggulang pambansa, ekonomiya at socio-cultural cooperation.

Sa naunang bahagi ng 2014, lumagda ang Pilipinas sa kontratang nagsasaad ng pagbili ng 12 FA-50 fighter jets mula sa Korea.

Nagsimula ang bilateral relations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagkilala ng Pilipinas sa katatatag na bansa noong ikatlong araw ng Marso, 1949. Ang Pilipinas ang ikalimang bansang kumilala sa bagong bansa. Noong Setyembre 1950, lumahok ang Pilipinas sa United Nations coalition sa pagtatanggol sa Republic of Korea (1950-53) sa pagpapadala ng Philippine Expeditionary Forces to Korea na nagkaroon ng 7,420 kawal na ika-apat sa pinakamalaking bansang nagpadala ng mga kawal.

Tumulong din ang Koreano sa mga biktima ni "Yolanda" sa pamamagitan ng Korea Disaster Relief at Korean Armed Forces na may mga manggagamot., rescue, recovery at engineering personnel upang tumulong sa relief and recovery operations.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, ang Republic of Korea ang isa sa mga nangungunang pinagkukunan ng investments at isang mina ng mga banyagang turista mula noong 2010. Umabot sa isang milyong turista ang dumating noong 2010 at noong 2013.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>