![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Technical Assistance Grant, pasado sa World Bank
TECHNICAL GRANT MAKAKATULONG. Sinabi ni World Bank Country Director Motoo Konishi na malayo ang mararating ng kanilang ayudang higit sa US$ 700,000 upang masuri at magkaroon ng pagtatasa kung gaano ang halaga ng likas na yaman ng Pilipinas. (Melo M. Acuna)
NAKAPASA sa World Bank ang isang technical assistance grant na nagkakahalaga ng higit sa US$ 700 libo at magbibigay ng datos hinggil sa tunay na kalagayan ng likas na yaman ng bansa.
Ayon kay Motoo Konishi, Philippine Country Director ng World Bank, ang pagkakaroon ng sapat na datos sa likas na yaman at masusuri ang mga ito ng maayos ay mahalaga sa paggawa ng desisyon na makakatulong sa bansang marating ang pagtatapos ng lubhang kahirapan at mapalawak ang epekto ng kaunlaran. Idinagdag pa niya na ang Phil-WAVES ay makatutulong sa madla na madama ang relasyon ng ekonomiya sa kapaligiran.
Tinatawag na Wealth Accounting and Valuation of Ecosystems (Phil-WAVES). Layunin ng proyekto na magkaroon ng pinagsanib na pangmatagalang kaunlaran ng bansa at magkaroon ng mapakikinabanangang polisiya at palatuntunan.
Layuning magkaroon ng pangmatagalalang paggamit ng likas na yaman ang magpapaunlad ng buhay ng mahihirap sapagkat sila'y karaniwang umaasa sa likas na yaman para sa kanilang kabuhayan.
Noong 2013, ang sakahan, kagubatan at pangisdaan ang nakapag0ambag ng 11.2% ng Gross Domestic Product ng Pilipinas at one third ng hanapbuhay ng mga manggagawa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang poverty incidentce sa mga sektor na ito ay nananatiling mataas ay umabot sa 36.7% noong 2009. Ang sustainable management at maayos na paggamit ng natural resources ay mahalaga upang matiyak na uunlad ang buhay ng mga mamamayan.
Gagamitin ng Phil-WAVES ang 2012 System of Environmental and Economic Accounting, isang pandaigdigang tanggap na paraan ng accounting ng natural resources ang susukat sa minerals at mangroves. Ang PSA ang gagamit ng impormasyong ito upang magkaroon ng macroeconomic indicators na siyang magsusuri sa halaga ng key natural resources at kanilang kontribusyon sa GDP ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |