Globe, nagdemandang muli ng spammer
ITINULOY ng Globe Telecom ang kampanya laban sa spammers sa pagpaparating ng ikalawang reklamo sa National Telecommunications Commission laban sa Center Global Best Practices, isang kumpanyang nag-aalok ng iba't ibang training at seminar courses.
Nagpapadala umano ng unsolicited promotional text messages sa mga mobile subscribers. Ayon sa Globe Telecom, magdedemanda pa silang muli laban sa mga kumpanyang umaabuso sa nilalaman ng kasunduan.
Hiniling ng Globe sa Center for Global Best Practices na magmulta at magbayad pinsala sa pagpapadala ng nakagagalit na text scam sa Globe subscribers. Hiniling din nila sa National Telecommunications Commission na pagbawalan ang kumpanya at mga tauhan nito na magpadala ng spam messages sa mga customer ng Globe. Kailangan ding magkaroon ng cease and desist order laban sa inireklamong kumpanya.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10