Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May panahon pa upang makapaghanda

(GMT+08:00) 2014-05-28 18:41:49       CRI

Senador, humiling sa Commission on Elections na isumite ang detalyes ng PCOS deal

HINILING Senador Aquilino "Koko" Pimentel III sa Commission on Elections na pag-aralan ang iba't ibang teknolohiyang kailangan upang mabatid ang makakapalit ng PCOS machines para sa 2016 elections.

Sinabi ng mambabatas na nais ng Commission on Elections na bumili ng bagong PCOS machines na gumagamit ng parehong teknolohiya. Mas makabubuti kung ibalita ng Comelec kung ano pang mga teknolohiya ang magagamit na maaasahan din ang bilis ng transmission.

Wala umanong malawakang ulat ang Comelec sa kalagayan ng 82,000 ballot-reading machines na ginamit noong 2010 at 2013 elections. Kailangan ng transparency sa paglalahad ng katotohanan kung maaasahan pa ba ang mga makinang ito sa susunod na halalan.

Nais malaman ng senador kung ilan na sa mga PCOS ang basura na at kung ilan ang pinagkukunan ng spare parts. Nararapat lamang sagutin ng Commission on Elections ang mga katanungang ito, dagdag pa ni G. Pimentel.

Ipinagtanggol ni Chairman Sixto Brillantes sa pagdinig ng isang congressional committee noong Lunes na panahon na upang palitan ang mga lumang PCOS machines na mula sa Smartmatic.

Humiling si Brillantes ng P 18 bilyon para sa budget ng Comelec sa taong 2016 upang makabili ng may 121,800 bagong PCOS units. Mas mababawasan ang peligro ng pagbibilang sa 2016 sa paggamit ng mga bagong makina. Wala nang iba pang sinabi ang opisyal ng Comelec.

Si Pimentel ay biktima ng dagdag-bawas noong 2007 senatorial elections. Sinabi niya na iniderso ni Brillantes ang PCOS machines para sa halalan sa halip na bagong teknolohiya.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>