![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Walang dapat singilin sa mga mag-aaral
SINABI ni Education Secretary Bro. Armin Luistro, FSC na walang dapat anumang kolektahin sa oras ng enrolment at sa mga unang araw ng klase.
Ayon sa kalihim, nananawagan sila sa lahat ng mga guro at mga opisyal ng paaralan na huwag tatanggihan ang mga mag-aaral na gustong pumasok sa paaralan. Ipinaaalala rin na walang anumang nararapat singilin bilang requirement sa enrolment.
Niliwanag ng kalihim na kahit autorisado nila ang ilang mga kontribusyon, hindi ito nangangahulugang pangkalahatan. Ang mga kontribusyon na ito ay pawang "voluntary."
Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang panawagan sa mga guro, mga opisyal ng pamahalaan at mga magulang na magkaisa sa panawagan sa komunidad na dalhin ang lahat ng mga batang nararapat mag-aral sa kanilang mga paaralan.
Ang mga autorisadong singilin ay kinabibilangan ng Boy at Girl Scouts membership fees, Philippine National Red Cross, Anti-TB Fund, school publication fee at Parents-Teachers-Community Association Fees. Ayon sa DepEd Order 41 na inilabas noong 2012, ang lahat ng school officials ay hindi nararapat maningil mula sa mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 4 sa loob ng school year. Para sa mga Grade 5 pupils hanggang fourth year high school, walang anumang koleksyon mula Hunyo hanggang Hulyo.
Mula Agosto hanggang matapos ang school year, maaari nang maningil ng mga membership sa Boy at Girl Scouts na nagkakahalaga ng P 50, Philippine Red Cros, P 35, Anti-TB Fund, P 5, school publication fee P 60 sa bawat elementary pupil at P 90 sa high school. Ang PTA Fee ay nararapat angkop lamang matapos magkaroon ng PTA General Assembly.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |