![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Anim ang nasawi sa sunog sa tent city sa Tacloban City
ISANG tolda na pansamantalang tinitirhan ng mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda" ang nasunog at ikinasawi ng isang babae kasama ang lima niyang anak na kinabibilangan ng isang apat na buwang sanggol.
Ang pangyayaring ito ang nagpapakita ng kabagalan ng paglilipat sa libu-libong nakaligtas sa bangis ng bagyo na tumama noong nakaraang Nobyembre. Isa umano ang bagyong "Yolanda" sa pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa.
Naganap ang suog dahilan sa isang gasera na madaliang tumupok a tolda pasado ang hatinggabi kagabi. Isa umano ang nasunog na tolda sa may 40 nakatayo sa Tent City sa San Jose District na lubhang tinamaan ng daluyong.
Mula sa apat na buwang hanggang 12 taong gulang ang mga batang nasawi sa sunog. Nag-aagaw-buhay ang pitong taong-gulang na anak ng babaeng nasawi.
Ayon sa mga balitang lumabas, sinabi ni Derrick Anido sa mga mamamahayag na tumagal ang sunog ng sampung minuto. Nagdadalamhating sinabi ni Anido na nakaligtas nga sa bagyong, nasawi naman sa sunog.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |