Naganap sampung taon na ang nakalilipas, binalikan
INULIT ni Senador Grace Poe ang mga akusasyong naganap noong nakalipas na halalan noong 2004 , sa pagkatalo ng kanyang ama, ang beteranong actor na si Fernando Poe kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nakasuot ng itim na damit, sa plenaryo ng Senado, nagtalumpati sa kauna-unahang pagkakataon mula ng mahalal noong 2013, at sinabing huwad ang panunungkulan ni Pangulong Arroyo mula noong 2004 hanggang 2010.
Ani Senador Poe, sampung taon na, sa buwan ding ito, nagbago ang mukha ng politika sa bansa sa pamamagitan ng isang nakakahiyang pangyayari na nabunyag at naglarawan ng pandaraya ng administrasyong Arroyo.
Sinimulan niya ang kanyang talumpati sa pagpaparinig ng ilang bahagi ng "Hello Garci" tapes na naglalaman ng diumano'y tinig ni Gng. Arroyo na nag-uutos kay Election Commissioner Virgilio Garcillano na tiyaking magwawagi siya ng may isang milyong bot okay Fernando Poe, Jr.
Noong 2005, umamin si Gng. Arroyo at humingi ng paumanhin sa kanyang pagtawag kay Garcillano sa kainitan ng halalan oong 2004.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10