|
||||||||
|
||
Ulat ni Melo 20140603
|
BINIGYAN ng sampung araw ng Korte Suprema ang Malacañang na magpa-abot ng kanilang pahayag sa dalawalang petisyong humihiling na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement na nilagdaan noong nakalipas na ika-28 ng Abril ilang oras bago dumating si US President Barack Obama.
Ito ang impormasyon mula kay Atty. Theodore Te, Public Information Chief at Tagapagsalita ng Korte Suprema.
Maliban kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., inatasan sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario, Armed Forces Chief General Emmanuel Bautista at buong Philippine panel na nakipag-usap sa mga Americano hinggil sa kasunduan na magpaabot ng kanilang pahayag.
Hinilingan din silang magpahayag sa kahilingan ng mga nagpetiston na maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa bilateral agreement.
Pinatutugon sila sa kautusan sa loob ng sampung araw.
Dalawang petisyon ang ipinarating nina dating Senador Rene Saguisag at Wigberto Tañada at isa pang grupo na binubuo ng Bagong Alyansang Makabayan at mga mambabatas mula sa Makabayan bloc at iba pang mga dating mambabatas.
Binanggit nina Senador Saguisag at Tañada na lubhang pabor sa Estados Unidos ang kasunduan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |