|
||||||||
|
||
Mga kawani ng pamahalaan, nakakatagpo ng trabaho sa ibang bansa
UNTI-UNTING nagsisi-alis ang mga kawani ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaang na sa agham at teknolohiya upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang dahilan umano'y mas magandang pasahod para sa kanila at may mga benepisyong mahirap tanggihan.
Ito ang binanggit ni Assistant Secretary Oswaldo Santos ng Department of Science and Technology sa pagdinig ng Senado kanina. Napupuna ang pag-alis ng mga dalubhasa hindi lamang sa PAGASA o weather bureau kungdi maging sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Advanced Science and Technology Institute.
Inamin ni Asst. Secretary Santos na mas mataas ang ipinasasahod ng mga banyagang kumpanya. Ginagawa naman umano ng kagawaran ang lahat upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kawani.
Ayon kay Dr. Vicente Malano, PAGASA Officer-In-Charge, may 35 na sa kanilang mga tauhan, karamihan ay weather forecasters ang umalis na sa pamahalaan mula pa noong 2005. Noong nakalipas na buwan, apat na weather forecasters ang nagtungo sa Qatar. Nababalam umano ang paglalabas ng hazard pay sa mga kawani dahilan sa proseso ng burukrasya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |