|
||||||||
|
||
Oras ng mga bangko, niluwagan ng Bangko Sentral
NAGDESISYON ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang unang takdang oras ng mga bangko sa buong bansa. Sa isang kalatas, sinabi ng Bangko Sentral na pinapayagan ang mga bangko na magbukas ng anim na oras limang araw sa bawat linggo (Lunes hanggang Biyernes) maliban sa mga piyesta opisyal. Ito ay kakaiba sa e-banking at automated teller machine operations.
Sa ilalim ng bagong kautusan hinggil sa oras ng pagbabangko, ang mga bangkong nagnanais magpahaba ng kanilang operasyon ay mangangailangan lamang na pormal liham at pasabi sa Bangko Sentral.
Pinapayagan ang full banking services sa extended period. Liban sa core functions ng deposit-taking at withdrawals-servicing, puede na silang magproseso ng mga tseke sa extended banking hours. Papayagan na rin ang bank certification, payment order, check reorder, bills at loan payment at iba pang kahalintulad na serbisyo. Maaari nang magsimula ang pagbabangko bago pa man sumapit ang ikawalo ng umaga hanggang higit sa ikawalo ng gabi.
Magudulot umano ang kalakarang ito ng mas maraming transaksyon na higit na magpapasigla ng kalakalan. Kailangan lamang magkaroon ng angkop na seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng madla.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |