|
||||||||
|
||
Tuloy lang ang trabaho sa Senado
SA likod ng mga kontrobersyang bumabalot sa Senado ng Pilipinas, sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na tuloy pa rin ang mga debate at talakayan sa mga panukalang batas bago matapos ang kanilang sesyon sa susunod na linggo.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Drilon na tuloy ang kanilang pakikipag-usap sa House of Representatives at mayroong koordinasyong nagaganap tungkol sa mga batas na kailangang makapasao bago sumapit ang Miyerkoles ng susunod na linggo.
Kabilang sa kanilang prayoridad ang Senate Bill 27, ang Picture-Based Health Warning Act na halos kasabayan ng Sin Tax na ngayo'y nakalikom na ng P 51 bilyon mula sa idinagdag na buwis sa sigarilyo sa bansa.
Ipinaliwanag pa niya na sa oras na mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo sa Pilipinas, mababawasan na rin ang mga magtutungo sa health centers at mga pagamutan dahilan sa mga karamdamang dulot ng paninigarilyo. Mayroon umanong 87,600 mga Filipino ang nasasawi taun-taon o sampung Filipino sa bawat oras ang nasasawi dulot ng paninigarilyo. Sanhi ng paninigarilyo, umaabot sa P 218 hanggang P 416 bilyon ang nagagastos sa taunang health care programs at nawawalan ng productivity ang mga nagkakaroon ng karamdaman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |