|
||||||||
|
||
Pilipinas at Malaysia, nagkasundo sa kampanya laban sa kidnap groups
MATAPOS ang matagumpay na pagkakaligtas sa isang Chinese national at isang Filipina sa kamay ng kidnappers, nagkasundo ang Malaysia at Pilipinas na palakasin ang kanilang pangangalap ng impormasyon hinggil sa kidnap-for-ransom groups na sumalakay sa Sabah sa nakalipas na ilang buwan.
Ayon sa balitang mula sa "The Star Online", sinabi ni Eastern Sabah Security command Director-Generafl Datuk Mohammad Mantek na higit na gumaganda ang kanilang pakikipagtulungan sa mga Filipino.
Ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag na natipon sa Kota Kinabalu kamakailan. May 14 na kidnap-for-ransom groups ngayon subalit pito lamang ang aktibo sa Sabah.
Nagpulong na kamakailan ang mga intelligence operatives ng Malaysia at Pilipinas.
Magugunitang sinalakay ng mga kidnapper ang isang floating resort noong ikalawa ng Abril at dinukot si Marcelito Dayawan at ang Chinese national na si Gao Huayun. Nakalaya sila noong Biyernes. Wala umanong ransom na ibinayad sa mga dumukot.
Pinagtutulungan nilang mapalaya ang isang Chinese farm manager na si Yang Zai Lin, 34 taong dulang na dinukot sa Pulau Naik noong Martes, ika-anim ng Mayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |